Monday, June 07, 2004

si paquita

kagabi, nanood kami ng sine ng aking kasama sa bahay na si ros. babae sa breakwater. ano naman kaya yun? mga alas diyes na nagsimula yung pelikula. french art filmfest ngayon sa greenbelt. at dahil sa kawalan ng magawa, nanood kami.

sinabihan na ako ni ros na medyo b-film sya. hindi naman ako nag-expect. art film nga eh! malamang mga artistic at experimental shots yung gagamitin dun sa pelikula. naisip ko na lang wala lang, pampalipas oras. at saka, singkwenta lang naman eh! ok na rin yan. at least naka aircon.

nagsimula na yung pelikula at, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko habang nanonood. halo halo ang aking naramdaman; lungkot, galit, pandidiri, at higit sa lahat, awa.

mula simula, hanggang sa huli, mapagiisip ka. ang daming simbolismo na, kung hindi mo iisipin talaga, hindi mo makikita. hanggang sa aking pagtulog, iniisip ko pa rin sila, ang mga taong walang makain, mga taong nagnanakaw, mga tao sa breakwater, ang babaeng si paquita.

kung papanoorin mo sya, maaawa ka talaga kay paquita. mula sa pagka puta, nilapastangan ng bosing ng lugar nila, hanggang sa nagbagong buhay, nagka asawa, anak pero para lang saan? para lang mawala sa kanya ang mga minahal nya? para lang kunin sa kanya ang nalalabing dignidad? ngunit, sa kabila ng lahat, bumangon sya. nagsumikap para maiahon ang sarili. parang pilipinas. lahat na nangyari sa kanya; sa atin. ngunit heto pa rin tayo. patuloy nagsusumikap na pagandahin ang buhay, maiayos ang sarili, at maiunlad ang bansa.

ngunit,

sa huli,

ano na...?

para saan...?


email me! missymisbehavin08@yahoo.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home