dear lola
tanda ko nung bata ako, kakain tayo ng ginataang tulingan sa may ilog, sa ilalim ng punong mangga. tapos, uuwi tayo dun sa inyo at matutulog. magigising tayo para manood ng that's entertainment. pero tanong ko, bakit nyo ba ako lagi pinapagalitan nung bata ako? lagi na lang "wag ka dyan!", "wag mong hawakan yan!", o "mali yang ginagawa mo?". eh bata nga ako eh, malikot at gustong malaman ang tungkol sa lahat ng mga bagay.
nung tumanda na ako, nandun kayo nung nagkasakit si daddy. kayo ang nagturo sa akin na magluto ng ginisang munggo at tinolang manok. pero habang lumalaki ako, lagi nyong pinapansin na, lumalaki nga ako. eh masarap kumain eh! pati ba naman pagkain ko, papansinin nyo pa?
pero ang pinaka masakit sa lahat, bakit nyo ba hindi tinupad ang pangako nyo? sabi nyo pupunta pa kayo sa kasal ko? tutulungan nyo ako maghanda. tapos, ngayon, iniwan nyo na ako. sabi nyo nandun pa kayo para makita ang apo nyo sa tuhod. pero bat ganun? nawala lang ako nang isang sabado, nawala na kayo sa buhay ko ng tuluyan?
lola, alam ko, pagdating ng panahon, pagnandun na ako sa simbahan, at mangangakong habang buhay kakasamahin ang lalaking aking minamahal, nandun din kayo, nakaupo, nakatinggin sa amin at nakangiti.
mahal na mahal ko kayo lola viring. hinding hindi ko kayo makakalimutan.
email me! missymisbehavin08@yahoo.com


0 Comments:
Post a Comment
<< Home